Hay. Wrong time to be checking out the Internet on Tagalog. Tatrabahuhin ko sana ‘yung Tagalog course ko for my kids — na pangarap ko eh mala-Rosetta Stone sana…. Sinulatan ko ang Rosetta Stone noon to volunteer to work on this program for them, pero hindi naman ako pinansin. Sabagay, ‘di ko naman sila ma-blame, sino ba ‘ko, ‘no. Ni hindi naman ako linguist. Pero kasi enjoy ang mga bata sa Rosetta Stone Spanish nila, kahit mahal and we’ve only used it this past few months I feel sulit na ang ginastos namin. Sana may ganito rin for Tagalog.
So anyway, gagawa sana ‘ko ng ilang lessons ngayong gabi so medyo research nang konti. Ano ba ‘yan at ang mga napuntahan kong news/blogs/forums puro ang pinag-uusapan eh ‘yung petition (petition nga ba? basta kung ano man ‘yon sa laws ng Pinas ‘ata — I don’t keep up naman kasi) — na maging English na lang ang instruction sa mga eskuwela. Naiinis ako! Kaming andito sa US tinuturuan ang mga anak namin magsalita ng dialect namin, mga Pinoy naman na nasa sariling bansa gusto pa ingles.
Hindi naman sa masama ang marunong ng ingles, lumaki rin naman kami na English ang medium of instruction ng karamihan ng subject… hindi ko lang makuha kung bakit parang at the expense naman ng sariling wika natin ‘tong ginagawa nilang ‘to.
Ano bang masama sa maging multi-lingual ang mga bata? Bakit English dapat ang focus? Parang backward naman ‘ata ‘yon. Eto na nga’t ang findings in the past 20+ years (or more) eh the younger natututo ng iba-ibang language ang bata the better. In fact ang naaalala ko from my psychology courses eh 6 ang pinaka-cutoff age — older than that mas mahihirapan na ang bata matuto ng iba-ibang language. So what’s the point at ang mga Pinoy na bata na pinanganak pa mandin sa Pinas eh hindi turuan ng dialect nila? Ma-tagalog man ‘yan o ma-bicolano or cebuano or whatever…. Hindi ba advantageous din sa kanila ‘yung marami silang alam?
At saka naku…. kung alam lang nila. ‘Yong mga nagsilipat na mga tao dito sa States na inadopt na lang ang English as their primary language at kinalimutan na ang mother tongue nila, eto ngayon at mga nagsisisihan, bakit daw hindi sila tinuruan ng mga lolo’t lola nila, tatay at nanay, etc. Wala daw tuloy silang maipamanang heritage na wika sa mga anak at apo nila, etc., etc.
Argh! Nakaka-frustrate talaga. At eto kami na namimilipit para hindi mawala sa anak namin ang “heritage†nila. Hindi kami as successful as we were hoping we would be n’ong bagong kasal pa lang kami, when we promised ourselves na our children would be speaking the language 100% at home…. naiba n’ong pumasok ang panganay namin sa public school at nasanay na inglis nang inglis — kaya pati sa bahay ‘yong mga kapatid ini-inglis na rin….. tapos natapat pa na lumipat kami ng state kaya ‘yung mga maliliit hindi na lumaki na kalapit ang lolo’t lola nila, at mga kamag-anak na marunong mag-tagalog. pero naku, what i wouldn’t give!
Haay naku. Naiinis talaga ako. Ang hirap talaga nitong going against the grain. Parati na lang pasalungat ang palakad ng ibang tao.
Recent Comments